| KA ERDY DIES AT 84 
KA ERDY (January 2, 1925 – August 31, 2009) (Source: GMA 7 News) Eraño Manalo, the head of the politically influential, vernacular-speaking, and home-grown Iglesia ni Cristo, passed away Monday afternoon, an INC official said.
In a recorded announcement aired on dzBB radio, INC spokesperson Bienvenido Santiago confirmed Manalo's death at 3:53 p.m. Monday, August 31, 2009. Manalo was officially the Executive Minister of the INC, but he was also its supreme, charismatic leader who took over the church upon the death in 1963 of the founder, his father Felix Manalo.
"Ikinalulungkot naming ipabatid sa buong Iglesia at sa buong sambayanan na ang tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang kapatid na Eraño G. Manalo ay pinagpahinga na ng Diyos. Pumanaw siya sa kanyang tahanan sa ganap na 3:53 kahapon Agosto 31, 2009, sa gulang na 84 taon," Santiago said.
(We are sad to announce to the Iglesia and to the whole nation that the Executive Minister of Iglesia ni Cristo, our brother Eraño G. Manalo, joined our Creator. He passed away at his home 3:53 p.m. on August 31, 2009. He was 84 years old.)
Santiago said that according to Dr. Ray Melchor Santos, Manalo died due to cardiopulmonary arrest. According to Santiago, Manalo's remains will lie in state at INC's Central Temple in Quezon City. Further details will be announced, Santiago added.
Manalo was born on Jan. 2, 1925. He was INC founder Felix Manalo's fifth child.
======================== Ako ay kinalabutan, ako ay naluha at ako ay totoong nalungkot sa balita na pumanaw na daw ang pinakamamahal ng Iglesia, ang Ka Erdy Manalo. Siguro dala na rin nang di naman masyadong napag-uusapan ang kanyang kalagayan. Nakikidalamhati po ako sa kanyang pamilya at sa buong Iglesia. Lahat ng bagay ay may dahilan. Gaya nga ng sinabi nang Ka Bienvenido, sama-sama tayong manalangin ngayon sa panahon ng ating kalungkutan: “hinihiling namin sa lahat ng ministro at mga manggagawa, mga may tungkulin at mga kaanib, na ipanalangin natin sa Dios na patuloy Nyang patnubayan ang buong Iglesia at pagkalooban Nya tayo ng lakas sa panahong ito ng ating matinding kadalamhatian” Aking hiling: “Ama, gabayan Nyo po kaming lahat na naghahanap ng Iyong pagkalinga sa panahong ito ng aming kalungkutan at ito po ay maging ikatitibay namin, na mas lalo po kaming manghawak sayo.” Ka Erdy, Di ko man kayo nakadaupang palad, di ko man po kayo nakita ng personal at di nyo man po ako nangitian kapag naiaayos ko ang aking mga pagtupad, ngunit naabot nyo po ang aking puso nang higit sa naabot ng aking pamilya at ng aking mga kaibigan. Salamat po, kayo ay laging maaalala at magiging tunay na inspirasyon sa akin at sa Iglesia. Maligayang pamamahinga po at mapayapang paghihintay sa Panginoon. ~Lyn~ “Lahat ng tao’y papanaw, pagsapit ng takdang araw. Anomang ating nakamtan ay atin ngang maiiwan. Kaya ating pagsikapan na taglayin sa libingan. Ang sa ati’y pagkahirang, ang tungkuling ating taglay” ~INC HYMN~ |